crush.. ano yun? haha! para sa akin ang crush ay simpleng paghanga lang talaga. natutuwa ka lang kapag nakikita at nakakausap mo yung tao. minsan may halong day dream na din about dun sa taong crush mo pero. konting kilig. konting pampam. konting habol. pero wala namang seryosong damdamin. para sa akin, yun ang crush. at para sa akin, iyon ang naipakita sa istoryang the bread of salt.
pinakita sa istoryang iyon kung paano magkacrush ang isang batang lalaki sa isang batang babae. pero syempre para na rin siguro yun sa lahat. bata nga lang kasi yung ginamit na halimbawa dun sa kwento. hmnn..
ang crush para sakin simula lang o unang hakbang tungo sa love or marriage..
ang simpleng crush sa ngayon, minsan kasunod na ay panliligaw. (hindi ko lang sigurado kung noon ay ganoon din. pero malamang ganoon din yun, yun nga lamang, hindi pa siguro uso ang salitang crush.) kasi diba (lalo na siguro mga lalaki) kapag crush mo yung isang tao sa una matutuwa ka na nakikita siya at nakakausap paminsan minsan sa isang lugar. tapos nun magsisimula ka na magresearch tungkol dun sa babae (ano ang gustong kulay, pagkain, etc.) kasi parang hindi ka na mapakali or makuntento sa simpleng kita lang at usap sa kanya ng paminsan lang. tapos, gagawa ka na ng mga moves or diskarte para mapansin ka na nung tao (gagawin mo na at ibibigay yung kung ano yung gusto nung tao) para makuha mo pa yung atensyon niya at may rason ka pa para makita at makauspa siya. sunod nun parang susuyuin mo na siya, dadalawin sa bahay, tatawagan, itetext, susunduin sa eskwela o sa trabaho, ililibre or anu pa man para mas lagi mo pang makasama, makausap at makita ng madalas. tapos mapapaisip ka na lang "bakit ko ba to ginagawa? eh crush ko lang naman siya?" hmn.. ang tanong, crush nga lang ba? matapos ang simpleng katanungang iyon, medyo magpapahinay hinay lang, parang pahinga lang saglit. pero mapapaisip na naman.. "shit! mahal ko na ata tsong?!" hmn.. ayun na.. kaunting pagsusuri pa sa sarili at kapag napagtantong iba na nga ang nararamdaman.. na parang mabaliw baliw ka na sa tao.. yung tipong kabaliwan na ipinakita sa summer solstice.. itutuloy na ulit ang pagsusuyo.. o panliligaw na ng seryosohan.. mapatunayan lang ang totoong nararamdaman sa tao hanggang sa makamit ang kasagutang minimithi. hanggang sa umabot na sa kasal.
pero maiba naman ako ulit.. sa panahon ngayon.. iba na ang pananaw ng mga tao sa panliligaw at sa kasal. ang panliligaw sa ngayon dinadaan na lang sa text, wala nang punta punta sa bahay, wala ng pahirap masyado, di tulad nung unang panahon na may harana pa tapos kailangan ding ligawan ang buong pamilya. pero ayos pa rin naman.. kasi kahit papaano nandyan pa rin naman ang panliligaw. maigsing panahon man ang abutin, mapadali man o mahirap, pormal man o hindi, ginagawa pa din naman sa ibang kaparaanan nga lamang. diba diba??
sa kasal naman.. hmn.. fixed marriage man yan o dahil sa may lumobo sa tiyan o kaya naman ay dahil mahal talaga ang isa't isa.. may pagkakapareho pa rin sa kanila, iba iba man ang rason kung bakit ikakasal.. at iyon ay ang pamamanhikan.. (sa mga pilipino. kasi sa ibang lahi walang pamamanhikan.. hindi nila alam kung ano yun. or siguro may ibang tema lang sila para doon. may kaibigan kasi ako, hindi niya alam kung ano yung pamamanhikan. haha!) kahit na gaano pa man kamoderno na ng panahon ngayon, mayaman ka man o mahirap, may pamamanhikan pa rin.
2 comments:
ahahha.. TAMA!=) nakakatawa minsan kung paano m masasabi na nainlove ka dahil sa magkatxt kayo parati and magkachat kayo dba>? wala lang pero hndi nman aq againts or something pero sa tingin q kaialngn mo muna makilala ang isang tao before ka mkpag communicate or something kasi sa dami ng manloloko dba? Cno ba naman ang gs2ng maisahan ka or something, ang dami na kasing mga cases na nararape or so whatever dahil sa pkikipagtxtmate or something, DUH! cno ba ang parating natatalo ciempre tayong mga girls db?
haha! oo nga sa una kakakilig.. hehe.. pero mas okay pa din talaga na makilala ng personal yung tao bago ka makipag communicate ng matindi. kasi nga tulad sabi mo.. dami talaga manloloko at mapagbalatkayo. at madami dami din naman ang aanga anga kasi.. hehe.
Post a Comment