noon.
- luma ang mga kagamitan. halos karamihan gamit ang kamay. manual pa.
- uso ang kabayo sa paglalakbay, o di kaya nama'y kalabaw o baka?
- uso ang harana at pag-akyat ng ligaw sa bahay kaharap ang buong pamilya.
- wala pang cell phone at internet. phone pal at pen pal pa.
- kimi pa ang karamihan sa mga babae (tipong di makabasag pinggan).
- diretso kung magsalita mga lalaki (pakapalan ng mukha).
- pakialamera mga magulang (concerned lang daw).
- medyo stick to one pa ata mga lalaki noon at babae. loyal.
- nagmamano pa sa mga nakatatanda at sobra kung maka po at opo.
ngayon.
- hi-tech na. halos karamihan ng gamit de-remote na.
- daming magagarang sasakyan. napaka hi-tech pa. may mga automatic drive pa.
- di na masyadong patok ang harana. pero ginagamit pa rin naman ang kanta sa panliligaw.
- may iba't ibang klase pa ng cell phone ang lumalabas. mula sa pinkamaliit hanggang sa pinakamalai. may wi-fi pa. may psp pa. may mga ym na. video call. web cam.
- madami dami na ang mga liberated na babae. mga nagpapaka-independent.
- madami sa mga parents ngayon nakiki-ride lang sa mga anak. feeling bagets lang.
- dami kung makipagdate ang mga lalaki at babae. hindi malaman kung ano o sino ang gusto.
- pa beso beso na lang. at di na masyado ginagamit po at opo.
personal na reaksyon:
hmn.. malaki talaga ang pagkakaiba ng buhay noon sa buhay ngayon. kahit pa sa mga susunod pang mga henerasyon. syempre, umuunlad ng teknolohiya. mas nagiging komplikado nga din eh. pero hindi naman natin yun mapipigilan kahit na ano pang gawin. bagalan siguro pwede pa.
pero isang bagay ang nakakatuwa sating mga pinoy ay yung hindi naman natin lubos na kinalilimutan at hindi binabalewala ang mga nakaugalian na noon. pinahahalgahan pa rin naman natin, binibigyang pansin at nirerespeto. tulad na lamang sa paggalang sa matatanda. wala naman na masyado yung pagmamano, beso na lang, respeto pa din yun. ibig sabihin, ginagalang pa din natin sila.. sa ibang kaparaanan na nga lamang.
na pepreserve naman natin yung mga values noon. and yung culture. karamihan ginagawa pa din ngayon, puro mga revisions na lang. crafted na. mga improved version na. iba na kasi eh. dapat sumabay sa takbo ng buhay.
No comments:
Post a Comment