Monday, January 28, 2008

alin sa dalawa?

the mats at divided by two -- parehong isinulat ni francisco arcellana. pero alin ang mas matimbang? alin ang mas nagpapakita ng totoong ugali ng pinoy?

ang mga pinoy mahilig sa pasalubong, madalas makaalala, hindi makalimot, may pagkasweet at sentimental. ang mga ito ay malinaw na malinaw na naipakita ni arcellana sa kanyang kwentong the mats. kahit saan man tayo magpunta, mapalayo man sa pamilya, sila pa rin ang iniisip natin. totoong mahirap ang mapalayo sa mga mahal mo sa buhay (lalo na kung sila ay nasa hindi na mabuting kondisyon o di kaya'y wala ka sa kanilang tabi kapag sila'y dumadaing sa sakit) para lamang sila ay maitaguyod. kaya naman siguro ganoon na lamang ang ipinakitang karakter ng ama sa kwento. labis man ang paguulila sa mga mahal sa buhay, kailan ma'y hindi natin sila binubura sa ating mga isipan at alaala.

ang pangalawang istorya naman ni arcellana na divide by two na tila napakalabong istorya talaga namang kalibang libang na pag-usapan.

bakit nga ba ang mga pinoy ay masyadong sensitibo sa kanilang mga pagmamayari? iyon ba ay kadamutan? kasakiman o ano? hmn.. inyo bang napapansin na karamihan sa mga subdivision o mga kabahayan (mayaman man o mahirap) ay may mga gate o bakod? (a basta boundary) ito ba ay dahil lamang sa design o kaya'y ayaw lamang manakawan o di kaya'y may mas natatagong kadahilanan pa? hmmn.. ewan ko na lang, pag-isipan ninyong mabuti, bakit nga kaya?

isa din sa kapansin pansin sa istoryang ito ay si belle at si charles. hahahaha! malamang maraming mga kalalakihan ang sasangayon sa akin kung sasabihin kong pakialamera talaga ang mga babae. hahaha! pero marami ding sasangayon sa akin na mga babae na napakatahimik naman ng mga lalaki at tila ba napakabagal kung kumilos. hahaha! ang instinct kasi talaga siguro ng mga babae ay umaksyon kaagad. kumilos. gumalaw na at huwag ng patagalin pa. at ang mga lalaki naman ay hinay hinay lang, pag isipan munang mabuti, magsiguro muna at huwag padalos dalos. tama ba ko? hahahaha! mahirap pag usapan ang issue ng mga babae vs lalaki sa ganitong paraan. pero anu't anu man, si babae at lalaki pa rin naman ang nagkakatuluyan sa huli. hahaha!

para sa akin, nagustuhan ko ang style ng pagsusulat ni arcellana. mahiwaga kumbaga. palaisipan.sabi nga, hindi lamang kung ano ang nakaukit sa ibabaw ang dapat mong suriin at pagtuunan ng pansin. paminsan. dapat ka ring tumingin sa ilalim, baka sakaling may bago ka pang madiskubre don. hmn, malabo? hindi naman. alamin nyo na lang.

6 comments:

miggyboy23 said...

Again with the tagalog (nosebleed). I agree with you, whenever my parents are away, I miss them but when they arrive, I dont know if im more excited with the pasalubong or with seeing them again.

Now with the property issues, I think that since we are a third world country, what we have is important to us. That's what makes a lot of people do crazy things. I dont think that girls are more "pakialamera," they just tend to be more sensitive (which isnt a bad thing)

zsarinah said...

really?? being sensitive isn't a bad thing?? hmmn.. yeah it's not. hahaha! but then not all the time i guess.. hehe..

and the thing about pasalubong or excited to see them again.. napapaisip din tuloy ako hahaha! you're happy to know what the pasalubong is pero happy din naman na nakita ulit and safe from travel, hindi lang cguro halata or napapansin kasi mas nangingibabaw yung excitement na makakita ng pasalubong.. hahaha!

emjhey01 said...

(nosebleed..)
...i agree..mahrap talaga lalo na sa isang ama na mapalayo sa family nya lalo na pag may nangyayaring di maganda sa kanila. kaya ganon na lang xa ka-emotional kasi i think akala nya ginawa na nya lahat... pero kulang parin.. =(


i don't agree that girls are more "pakialamera".. maybe some... yung mga so called "desperadaz...". i agree with migz that girls are tend to be more sensitive kaya siguro sometimes, we tend to question so many things. about the property thing, i think that how men protect their wives. ^_^

zsarinah said...

yeah, girls are more sensitive nga lang talaga siguro than boys?? (not so sure)

but does that mean boys are more insensitive???? hahaha! just kiddin' again. hehe if i know, boys are more emotional than girls. hahaha! (they have much drama in their lives than girls) :p

Oleander said...

hoy may feelings din kami! haha

Di lang kami revealing sa mga nararamdaman namin, we tend to look for something that can erase the pain. One of my friends (no, it's not the person in front of me when I'm brushing my teeth in the morning) who would actually cry only when he is taking a shower.

WE hide it because we feel like hiding it! haha, don't ask anymore questions (period)

Oh, boys do have other dramas, but I believe their best drama are still about girls, so you shouldn't compare yourself (if ever you did) to boys' kickass rides, outstanding salaries and other material stuff. If you ask me, the only thing you should be worrying about is another woman. haha

zsarinah said...

adry! i agree with you sobra! haha! "guys best drama is still about girls". hehe.

at least diba may umamin at nagsalaita na about dun and coming from a guy pa. hehe. magaling magaling. malakas ang loob umamin. hehe.

pero yung sa last part ng comment mo.. hmn.. para na ba saming mga babae yun? haha patay na haha!