Tuesday, February 19, 2008

noon at ngayon.

noon.

- luma ang mga kagamitan. halos karamihan gamit ang kamay. manual pa.
- uso ang kabayo sa paglalakbay, o di kaya nama'y kalabaw o baka?
- uso ang harana at pag-akyat ng ligaw sa bahay kaharap ang buong pamilya.
- wala pang cell phone at internet. phone pal at pen pal pa.
- kimi pa ang karamihan sa mga babae (tipong di makabasag pinggan).
- diretso kung magsalita mga lalaki (pakapalan ng mukha).
- pakialamera mga magulang (concerned lang daw).
- medyo stick to one pa ata mga lalaki noon at babae. loyal.
- nagmamano pa sa mga nakatatanda at sobra kung maka po at opo.

ngayon.

- hi-tech na. halos karamihan ng gamit de-remote na.
- daming magagarang sasakyan. napaka hi-tech pa. may mga automatic drive pa.
- di na masyadong patok ang harana. pero ginagamit pa rin naman ang kanta sa panliligaw.
- may iba't ibang klase pa ng cell phone ang lumalabas. mula sa pinkamaliit hanggang sa pinakamalai. may wi-fi pa. may psp pa. may mga ym na. video call. web cam.
- madami dami na ang mga liberated na babae. mga nagpapaka-independent.
- madami sa mga parents ngayon nakiki-ride lang sa mga anak. feeling bagets lang.
- dami kung makipagdate ang mga lalaki at babae. hindi malaman kung ano o sino ang gusto.
- pa beso beso na lang. at di na masyado ginagamit po at opo.

personal na reaksyon:

hmn.. malaki talaga ang pagkakaiba ng buhay noon sa buhay ngayon. kahit pa sa mga susunod pang mga henerasyon. syempre, umuunlad ng teknolohiya. mas nagiging komplikado nga din eh. pero hindi naman natin yun mapipigilan kahit na ano pang gawin. bagalan siguro pwede pa.

pero isang bagay ang nakakatuwa sating mga pinoy ay yung hindi naman natin lubos na kinalilimutan at hindi binabalewala ang mga nakaugalian na noon. pinahahalgahan pa rin naman natin, binibigyang pansin at nirerespeto. tulad na lamang sa paggalang sa matatanda. wala naman na masyado yung pagmamano, beso na lang, respeto pa din yun. ibig sabihin, ginagalang pa din natin sila.. sa ibang kaparaanan na nga lamang.

na pepreserve naman natin yung mga values noon. and yung culture. karamihan ginagawa pa din ngayon, puro mga revisions na lang. crafted na. mga improved version na. iba na kasi eh. dapat sumabay sa takbo ng buhay.

Monday, February 18, 2008

babae at lalaki

i don't want to say men and women are equal. yes, women can do what men can and vice versa. but they aren't still equal.

i would say... balance?!

hmmn.. parang mas okay na nga ata yung balance kesa equal..? ewan.. hindi rin naman ako sigurado. tamang opinyon lang.

kasi.. merong mga bagay bagay kasi na babae lang ang may kayang gumawa at ganun din naman sa mga lalaki. kapag equal kasi ibig sabihin pantay. pantay talaga. pareho. eh hindi naman diba? hindi maaring umanak ang mga lalaki, babae lang. hindi rin naman maaring... never mind. haha!

pero kung ikukumpara nga ang mga katayuan ng mga babae at lalaki noong araw sa ngayon, malaki na ang kaibahan. sa ngayon, nabibigyan na rin ng mga oportunidad ang mga babae sa iba't ibang larangan sa buhay tulad ng sa mga lalaki. hindi na lamang mga lalaki ang nakakapagtrabaho at namumuno. hindi na rin lamang pang bahay ang mga kababaihan. parehong nakapagbibigay na ng mga sariling opinyon at desisyon. parehong nakakatayo sa sariling mga paa at mamuhay na mag isa.

pero sa palagay ko, kahit na ano pa mang sabihin, mas dominant pa rin ang mga lalaki sa babae. hmn.. ang hirap ipaliwanag, pero ganun yun eh. parang uhm.. ganito.. submissive pa din ang mga babae sa mga lalaki lalo na isang relasyon at buhay mag-asawa. oo merong mga mag asawa na babae ang nagtatrabaho. merong ang babae ang bumubuhay sa pamilya lalo na kung ingle mom. pero hindi naman lahat ganoon eh diba? hindi naman 60-40 ang hati diba? or kahit na ba 50-50? (baka sipain na ako ng mga babae nito. haha!) pero ewan ko.. pag-isipan niyo rin.

oo nga at parang nakakapagliwaliw na ang mga babae, nagagawa na ang mga gusto, nasusunod na rin sa wakas.. pero hindi naman sa lahat ng oras. darating at darating din yung point na under pa rin sila ng mga lalaki, pansinin man nila o hindi. siguro kasi ganun talaga ang buhay. ganun tayo nilikha? haha!

huwag na kasi paghambingin ang babae sa lalaki. foul kasi yun eh. haha! no limits. no boundaries. masyadong malawak. masyadong kumplekado.

basta kaya ng babae, kaya ng lalaki. kaya ng lalaki, kaya ng babae.karapatan ng babae, karapatan ng lalaki. karapatan ng lalaki, karapatan ng babae. kalakasan ng babae, kalakasan ng lalaki. kalakasan ng lalaki, kalakasan ng babae. kahinaan ng babae, kahinaan ng lalaki. kahinaan ng lalaki, kahinaan ng babae. nauunawaan ko, nauunawaan niyo, nauunawaan nating lahat. bow.

domino effect.

crush.. ano yun? haha! para sa akin ang crush ay simpleng paghanga lang talaga. natutuwa ka lang kapag nakikita at nakakausap mo yung tao. minsan may halong day dream na din about dun sa taong crush mo pero. konting kilig. konting pampam. konting habol. pero wala namang seryosong damdamin. para sa akin, yun ang crush. at para sa akin, iyon ang naipakita sa istoryang the bread of salt.

pinakita sa istoryang iyon kung paano magkacrush ang isang batang lalaki sa isang batang babae. pero syempre para na rin siguro yun sa lahat. bata nga lang kasi yung ginamit na halimbawa dun sa kwento. hmnn..

ang crush para sakin simula lang o unang hakbang tungo sa love or marriage..

ang simpleng crush sa ngayon, minsan kasunod na ay panliligaw. (hindi ko lang sigurado kung noon ay ganoon din. pero malamang ganoon din yun, yun nga lamang, hindi pa siguro uso ang salitang crush.) kasi diba (lalo na siguro mga lalaki) kapag crush mo yung isang tao sa una matutuwa ka na nakikita siya at nakakausap paminsan minsan sa isang lugar. tapos nun magsisimula ka na magresearch tungkol dun sa babae (ano ang gustong kulay, pagkain, etc.) kasi parang hindi ka na mapakali or makuntento sa simpleng kita lang at usap sa kanya ng paminsan lang. tapos, gagawa ka na ng mga moves or diskarte para mapansin ka na nung tao (gagawin mo na at ibibigay yung kung ano yung gusto nung tao) para makuha mo pa yung atensyon niya at may rason ka pa para makita at makauspa siya. sunod nun parang susuyuin mo na siya, dadalawin sa bahay, tatawagan, itetext, susunduin sa eskwela o sa trabaho, ililibre or anu pa man para mas lagi mo pang makasama, makausap at makita ng madalas. tapos mapapaisip ka na lang "bakit ko ba to ginagawa? eh crush ko lang naman siya?" hmn.. ang tanong, crush nga lang ba? matapos ang simpleng katanungang iyon, medyo magpapahinay hinay lang, parang pahinga lang saglit. pero mapapaisip na naman.. "shit! mahal ko na ata tsong?!" hmn.. ayun na.. kaunting pagsusuri pa sa sarili at kapag napagtantong iba na nga ang nararamdaman.. na parang mabaliw baliw ka na sa tao.. yung tipong kabaliwan na ipinakita sa summer solstice.. itutuloy na ulit ang pagsusuyo.. o panliligaw na ng seryosohan.. mapatunayan lang ang totoong nararamdaman sa tao hanggang sa makamit ang kasagutang minimithi. hanggang sa umabot na sa kasal.

pero maiba naman ako ulit.. sa panahon ngayon.. iba na ang pananaw ng mga tao sa panliligaw at sa kasal. ang panliligaw sa ngayon dinadaan na lang sa text, wala nang punta punta sa bahay, wala ng pahirap masyado, di tulad nung unang panahon na may harana pa tapos kailangan ding ligawan ang buong pamilya. pero ayos pa rin naman.. kasi kahit papaano nandyan pa rin naman ang panliligaw. maigsing panahon man ang abutin, mapadali man o mahirap, pormal man o hindi, ginagawa pa din naman sa ibang kaparaanan nga lamang. diba diba??

sa kasal naman.. hmn.. fixed marriage man yan o dahil sa may lumobo sa tiyan o kaya naman ay dahil mahal talaga ang isa't isa.. may pagkakapareho pa rin sa kanila, iba iba man ang rason kung bakit ikakasal.. at iyon ay ang pamamanhikan.. (sa mga pilipino. kasi sa ibang lahi walang pamamanhikan.. hindi nila alam kung ano yun. or siguro may ibang tema lang sila para doon. may kaibigan kasi ako, hindi niya alam kung ano yung pamamanhikan. haha!) kahit na gaano pa man kamoderno na ng panahon ngayon, mayaman ka man o mahirap, may pamamanhikan pa rin.