Monday, January 28, 2008

alin sa dalawa?

the mats at divided by two -- parehong isinulat ni francisco arcellana. pero alin ang mas matimbang? alin ang mas nagpapakita ng totoong ugali ng pinoy?

ang mga pinoy mahilig sa pasalubong, madalas makaalala, hindi makalimot, may pagkasweet at sentimental. ang mga ito ay malinaw na malinaw na naipakita ni arcellana sa kanyang kwentong the mats. kahit saan man tayo magpunta, mapalayo man sa pamilya, sila pa rin ang iniisip natin. totoong mahirap ang mapalayo sa mga mahal mo sa buhay (lalo na kung sila ay nasa hindi na mabuting kondisyon o di kaya'y wala ka sa kanilang tabi kapag sila'y dumadaing sa sakit) para lamang sila ay maitaguyod. kaya naman siguro ganoon na lamang ang ipinakitang karakter ng ama sa kwento. labis man ang paguulila sa mga mahal sa buhay, kailan ma'y hindi natin sila binubura sa ating mga isipan at alaala.

ang pangalawang istorya naman ni arcellana na divide by two na tila napakalabong istorya talaga namang kalibang libang na pag-usapan.

bakit nga ba ang mga pinoy ay masyadong sensitibo sa kanilang mga pagmamayari? iyon ba ay kadamutan? kasakiman o ano? hmn.. inyo bang napapansin na karamihan sa mga subdivision o mga kabahayan (mayaman man o mahirap) ay may mga gate o bakod? (a basta boundary) ito ba ay dahil lamang sa design o kaya'y ayaw lamang manakawan o di kaya'y may mas natatagong kadahilanan pa? hmmn.. ewan ko na lang, pag-isipan ninyong mabuti, bakit nga kaya?

isa din sa kapansin pansin sa istoryang ito ay si belle at si charles. hahahaha! malamang maraming mga kalalakihan ang sasangayon sa akin kung sasabihin kong pakialamera talaga ang mga babae. hahaha! pero marami ding sasangayon sa akin na mga babae na napakatahimik naman ng mga lalaki at tila ba napakabagal kung kumilos. hahaha! ang instinct kasi talaga siguro ng mga babae ay umaksyon kaagad. kumilos. gumalaw na at huwag ng patagalin pa. at ang mga lalaki naman ay hinay hinay lang, pag isipan munang mabuti, magsiguro muna at huwag padalos dalos. tama ba ko? hahahaha! mahirap pag usapan ang issue ng mga babae vs lalaki sa ganitong paraan. pero anu't anu man, si babae at lalaki pa rin naman ang nagkakatuluyan sa huli. hahaha!

para sa akin, nagustuhan ko ang style ng pagsusulat ni arcellana. mahiwaga kumbaga. palaisipan.sabi nga, hindi lamang kung ano ang nakaukit sa ibabaw ang dapat mong suriin at pagtuunan ng pansin. paminsan. dapat ka ring tumingin sa ilalim, baka sakaling may bago ka pang madiskubre don. hmn, malabo? hindi naman. alamin nyo na lang.

Monday, January 21, 2008

Pilipino ka ba?

paano mo masasabing ikaw ay isang Pilipino? o di kaya nama'y paano mo malalaman na ang isang taong kausap mo ay Pilipino ring tulad mo? hmnn.. mahirap hirap atang gawain iyon. ngunit anu't ano pa man, kung makakarelate ka sa mga sasabihin ko, malamang Pilipino ka nga.

masayahain daw ang mga pinoy? totoo yun, kahit naman saan tayo magpunta, mapamaynila man (kung ikaw ay taga probinsya) o mapangibang bansa, kahit di kilala ang mga tao, kahit nahihirapan, kahit pinapagalitan at maraming problemang dinadala sa buhay sige lang ang ngiti, sige lang ang tawa na para bang ang gaan gaan lang ng buhay. ano?

ang karakter na iyan ay isa lamang sa mga ugaling pinoy na ipinakita ni carlos bulosan sa kanyang kwentong my father goes to court. ngunit hindi lamang namang iyon ang mapapansin sa istorya. sa katunayan, sa unang basa ko, natawa ako na nainis, sapagkat tila ba napakapilosopo naman nung tatay na gumaganap sa istorya, pero kung susuriin naman ng mas mabuti, wais pala si tatay at may paninindigan. ang mga tatay talaga natin ang humaharap sa mga pagsubok na nararasanan ng pamilya. sila madalas ang ating mga pangunahing tagapagligtas.

isa pa sa mga napansin ko ay ang paguumpukan o pagsasama-sama ng mga magkakapitbahay. oo nga naman, likas na sa talaga ating mga pinoy ang mangapitbahay (lalo na sa mga probinsya) kapag tayo ay naiinip na sa ating mga sariling bahay dahil walang magawa at makausap. makikinood sa tv kahit na may tv din naman sa bahay. makikipagchismisan, makikipagtawanan, at kung anu ano pa. tama ba ko?

sa kabilang banda, ang pagiging intrigero at intrigera naman ng ating mga pamilya ang napansin ko sa kwento ni manuel arguilla na how my brother leon brought home a wife.

bakit iyon? e kasi totoo naman. umisip pa talaga ng paraan si tatay (sa pamamagitan ni Baldo) para lamang makilatis si Maria. pero kung tutuusin, karamihan naman sa ating mga pinoy ay ganon. kapag mag-uuwi ng girlfriend o boyfriend ang isang kapatid natin o pinsan, kinikilatis din naman natin. susuriin kung approve ba sa ating panlasa o hindi. (haha! gawain kasi naming mga magpipinsan yan eh. :P) pero ganun din naman kung ikaw yung girlfriend o boyfriend na dinala sa bahay, siyempre, alam mo din naman dapat kung paano makibagay sa pamilya ng kabiyak mo ng natural lang, yung hindi ka nagkukunyari.

magandang halibawa din si Leon. ipinakita niya ang isang ugaling hindi maalis sa atin. ang respeto sa magulang o sa pamilya. dinala at pinakilala niya si Maria sa kanyang pamilya upang makilala bago tuluyang pakasalan. inisip pa rin niya ang kanyang pamilya at hindi lamang ang sarili kahit na ba malayo na siya sa mga ito at pwede ng gawin ang anumang naiisin sa buhay.

hmn.. mahalaga talaga sa ating mga pinoy ang opinyon at saloobin ng ating mga pamilya. family talaga ang number 1. tulad nga ng paulit-ulit nilang sinasabi, pamilya pa rin naman ang tatakbuhan mo parati at laging nandyan para sayo sa lahat ng oras. itaboy mo man sila, itaboy ka man nila, andyan pa rin kayo sa para ng isa't isa. iba talaga ang pamilyang pinoy. iba kasi tayong mga Pilipino. :)