Monday, February 18, 2008

babae at lalaki

i don't want to say men and women are equal. yes, women can do what men can and vice versa. but they aren't still equal.

i would say... balance?!

hmmn.. parang mas okay na nga ata yung balance kesa equal..? ewan.. hindi rin naman ako sigurado. tamang opinyon lang.

kasi.. merong mga bagay bagay kasi na babae lang ang may kayang gumawa at ganun din naman sa mga lalaki. kapag equal kasi ibig sabihin pantay. pantay talaga. pareho. eh hindi naman diba? hindi maaring umanak ang mga lalaki, babae lang. hindi rin naman maaring... never mind. haha!

pero kung ikukumpara nga ang mga katayuan ng mga babae at lalaki noong araw sa ngayon, malaki na ang kaibahan. sa ngayon, nabibigyan na rin ng mga oportunidad ang mga babae sa iba't ibang larangan sa buhay tulad ng sa mga lalaki. hindi na lamang mga lalaki ang nakakapagtrabaho at namumuno. hindi na rin lamang pang bahay ang mga kababaihan. parehong nakapagbibigay na ng mga sariling opinyon at desisyon. parehong nakakatayo sa sariling mga paa at mamuhay na mag isa.

pero sa palagay ko, kahit na ano pa mang sabihin, mas dominant pa rin ang mga lalaki sa babae. hmn.. ang hirap ipaliwanag, pero ganun yun eh. parang uhm.. ganito.. submissive pa din ang mga babae sa mga lalaki lalo na isang relasyon at buhay mag-asawa. oo merong mga mag asawa na babae ang nagtatrabaho. merong ang babae ang bumubuhay sa pamilya lalo na kung ingle mom. pero hindi naman lahat ganoon eh diba? hindi naman 60-40 ang hati diba? or kahit na ba 50-50? (baka sipain na ako ng mga babae nito. haha!) pero ewan ko.. pag-isipan niyo rin.

oo nga at parang nakakapagliwaliw na ang mga babae, nagagawa na ang mga gusto, nasusunod na rin sa wakas.. pero hindi naman sa lahat ng oras. darating at darating din yung point na under pa rin sila ng mga lalaki, pansinin man nila o hindi. siguro kasi ganun talaga ang buhay. ganun tayo nilikha? haha!

huwag na kasi paghambingin ang babae sa lalaki. foul kasi yun eh. haha! no limits. no boundaries. masyadong malawak. masyadong kumplekado.

basta kaya ng babae, kaya ng lalaki. kaya ng lalaki, kaya ng babae.karapatan ng babae, karapatan ng lalaki. karapatan ng lalaki, karapatan ng babae. kalakasan ng babae, kalakasan ng lalaki. kalakasan ng lalaki, kalakasan ng babae. kahinaan ng babae, kahinaan ng lalaki. kahinaan ng lalaki, kahinaan ng babae. nauunawaan ko, nauunawaan niyo, nauunawaan nating lahat. bow.

4 comments:

emjhey01 said...

"huwag na kasi paghambingin ang babae sa lalaki. foul kasi yun eh. haha! no limits. no boundaries. masyadong malawak. masyadong kumplekado."


yah.. di naman mahalaga kung sinong mas magaling... sinong mas "madaming kayang gawin..." diba??? kakaloka... ang kailangan lang naman natin is respect diba??? respect...^_^ kaya lang naman nagkakaroon at lumalaki tong issue na to kasi naglalamangan tayo... diba? so the bottom line is...we must respect each other...^_^ yun lang ^_^

winterfilth said...

ang mga babae at lalaki kasi may sari-sariling galing. hindi ito nasusukat sa iyong kasarian. may mga babaeng mas magaling sa trabahong pambababae, may mga babae rin na mas magaling sa trabahong panlalaki. Ganoon din sa mga lalaki.

zsarinah said...

yun na yun. respect. period. Ü

clarapatra said...

We should not compare men and women since talaga namang magkaiba sila. Kaya ng bawat isa na mag excel sa kanikanilang field or interest =)