Monday, January 21, 2008

Pilipino ka ba?

paano mo masasabing ikaw ay isang Pilipino? o di kaya nama'y paano mo malalaman na ang isang taong kausap mo ay Pilipino ring tulad mo? hmnn.. mahirap hirap atang gawain iyon. ngunit anu't ano pa man, kung makakarelate ka sa mga sasabihin ko, malamang Pilipino ka nga.

masayahain daw ang mga pinoy? totoo yun, kahit naman saan tayo magpunta, mapamaynila man (kung ikaw ay taga probinsya) o mapangibang bansa, kahit di kilala ang mga tao, kahit nahihirapan, kahit pinapagalitan at maraming problemang dinadala sa buhay sige lang ang ngiti, sige lang ang tawa na para bang ang gaan gaan lang ng buhay. ano?

ang karakter na iyan ay isa lamang sa mga ugaling pinoy na ipinakita ni carlos bulosan sa kanyang kwentong my father goes to court. ngunit hindi lamang namang iyon ang mapapansin sa istorya. sa katunayan, sa unang basa ko, natawa ako na nainis, sapagkat tila ba napakapilosopo naman nung tatay na gumaganap sa istorya, pero kung susuriin naman ng mas mabuti, wais pala si tatay at may paninindigan. ang mga tatay talaga natin ang humaharap sa mga pagsubok na nararasanan ng pamilya. sila madalas ang ating mga pangunahing tagapagligtas.

isa pa sa mga napansin ko ay ang paguumpukan o pagsasama-sama ng mga magkakapitbahay. oo nga naman, likas na sa talaga ating mga pinoy ang mangapitbahay (lalo na sa mga probinsya) kapag tayo ay naiinip na sa ating mga sariling bahay dahil walang magawa at makausap. makikinood sa tv kahit na may tv din naman sa bahay. makikipagchismisan, makikipagtawanan, at kung anu ano pa. tama ba ko?

sa kabilang banda, ang pagiging intrigero at intrigera naman ng ating mga pamilya ang napansin ko sa kwento ni manuel arguilla na how my brother leon brought home a wife.

bakit iyon? e kasi totoo naman. umisip pa talaga ng paraan si tatay (sa pamamagitan ni Baldo) para lamang makilatis si Maria. pero kung tutuusin, karamihan naman sa ating mga pinoy ay ganon. kapag mag-uuwi ng girlfriend o boyfriend ang isang kapatid natin o pinsan, kinikilatis din naman natin. susuriin kung approve ba sa ating panlasa o hindi. (haha! gawain kasi naming mga magpipinsan yan eh. :P) pero ganun din naman kung ikaw yung girlfriend o boyfriend na dinala sa bahay, siyempre, alam mo din naman dapat kung paano makibagay sa pamilya ng kabiyak mo ng natural lang, yung hindi ka nagkukunyari.

magandang halibawa din si Leon. ipinakita niya ang isang ugaling hindi maalis sa atin. ang respeto sa magulang o sa pamilya. dinala at pinakilala niya si Maria sa kanyang pamilya upang makilala bago tuluyang pakasalan. inisip pa rin niya ang kanyang pamilya at hindi lamang ang sarili kahit na ba malayo na siya sa mga ito at pwede ng gawin ang anumang naiisin sa buhay.

hmn.. mahalaga talaga sa ating mga pinoy ang opinyon at saloobin ng ating mga pamilya. family talaga ang number 1. tulad nga ng paulit-ulit nilang sinasabi, pamilya pa rin naman ang tatakbuhan mo parati at laging nandyan para sayo sa lahat ng oras. itaboy mo man sila, itaboy ka man nila, andyan pa rin kayo sa para ng isa't isa. iba talaga ang pamilyang pinoy. iba kasi tayong mga Pilipino. :)

5 comments:

miggyboy23 said...

first of all, kudos on using tagalog. ang galing grabe. anyways, i agree with you that Filipinos are very kind and hospitable, and we're very makabayan. And I also agree that family comes first. Its so hard to bring home a special someone without dad's side comments. And hindi ako chismoso, baka ikaw! ikaw guilty dyan eh. hehe, just kidding.

zsarinah said...

oo nga, makabayan nga mga pilipino.. even if others left phils (no progress daw kasi and all) then they excel abroad, sasabihin pa rin nila... "im proud to be a filipino" or.. "this is for my country". hehe

and wait wait wait.. dun sa comments ng mga dads.. hmn.. it really does matter noh? sobra iba ang dating kapag dad ang nagsalita..

zsarinah said...
This comment has been removed by the author.
emjhey01 said...

...(@_@) for me, yung father ng narrator is not pilosopo... for me lang huh.. kasi itz the right thing to do... itz fiction but still...kung ikaw kaya ipahuli dahil ninakaw mu daw yung spirit ng food nila blah blah... syempre ang ipapanglaban mo yung ganun din... he's juz a happy person..^_^ yun e,,sakin lang naman... they gave him a stupid reason..he gave them a stupid solution...^_^ mautak nga xa diba???


anywayz... i don't think "intregera" is not a right term. kasi di naman talaga nila inintriga diba??? tiningnan lang nila kung deserving si Maria na maging part ng family nila... (been there..done that..di nga lang ako sumakay sa carabao...sa iba..hehe..yoko nang sabihin kasi baka matawa ka lang...^_^) for me kasi intriga is chismis,., diba??? wala naman kasi issue si Maria weh..^_^ siguro and right term is "kilatis.." kasi yun naman talaga yung gusto nilang gawin^_^

zsarinah said...

yup yup! Ü tatay in the story's not really pilosopo. just like what i've said towards the end of the 3rd paragraph, tatay is wais. he knows how to fight back. patas nga kumbaga. parang sating mga pinoy, (or sa lahat naman ata?) kung pano ka tinira ng kaaway, dapat sa ganung paraan mo din siya titirahin pabalik. hehe.(miggy, patas is fair. :p)

and with the intrigero thing, hmn..i think i did mention din naman the word kilatis on that part. hehe. and sa aking pananaw lang din, yung rason kung bakit natin talaga kinikilatis yung isang tao ay dahil naiintriga din naman talaga tayo sa pagkatao niya kung sino man siya. tulad sa story, parang kung ako yung nanay kunwari, maiintriga ako kung bakit nagdala ang anak ko ng babae sa amin, at maiintriga ako kung sino siya para dalhin sa bahay. haha ang labo ko na ata. ganoon kasi kaming magpipinsan. mga intrigero at intrigera. hahaha!

pero napaisip tuloy ako.. hmn.. umuusbong nga ang wikang filipino. tulad nung napanuod ko sa tv, ang mga salitang karaniwang ginagamit daw natin, sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng iba't ibang kahulugan,pero magkakahawig pa din, depende sa gamit at pagkakaintindi ng bawat gumagamit ng mga salitang yun. hehe. (paningit lang)